Direktor umamin: Joross, Edgar Allan pasaway idirek
MEDYO pasaway raw idirek sina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman ayon sa director ng festival movie na “Dedma Walking” na si Julius Alfonso.
“Hirap kaming purihin ni direk. Matipid siyang pumuri. Hindi siya ‘yung, ‘O, ang galing mo!’ Ha! Ha! Ha!” sagot naman ni Joross sa pocket presscon ng movie.
Three years ang natapos bago pinrodyus ng T-Rex Entertainment ang pelikula. Eh, bigla raw sumulpot last year ang “Die Beautiful” kaya na-postpone muli ang paggawa nito.
“Ang daming pinagdaanan nito. Sa isang festival, number 11 kami. Tapos, sabi sa amin, stand by lang kayo in the event that may isang mawawala. Ha! Ha! Ha! Pero nang may mawala, hindi rin naman nila kami pinasok,” chika pa ni Alfonso na unang directorial job ang “Dedma Walking.”
Hanggang sa napunta ang project sa T-Rex ni Rex Tiri nu’ng Dec. 31, 2016, “Parang binigyan niya na rin ng taning ang pagiging producer niya. Pag may nahawakan daw siyang script before the year ends na magugustuhan niya, magpo-produce pa rin siya.
“Sabi niya (Rex), nagpa-fireworks na, binabasa pa rin niya ang script. Tapos, kinabukasan, nakatanggap ako sa Facebook ng friend request kay Rex. From then on, tuluy-tuloy na ang journey ng movie.
“And finally, hindi na kami nadedma. Binigyan na kami ng paa na lumakad, rumampa, kumembot sa diwa ng manonood!” pagmamalaki ni direk Julius.
Sa panig naman ng producer, tatlong beses na silang nabigo na mapasali sa festival. Titigil na sana talaga siya sa pagpu-produce.
“Dahil finally nakapasok na kami, walo hanggang 10 movies ang gagawin namin next year. Sana makabawi na this time!” sabi ni Rex.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.