Politika sa Pinas parang isang malaking comedy bar
ISANG nakakatamad na hapon ay nakatulog ako and when I woke up ay bigla na lang nakabalandra sa Facebook wall ko ang balitang tatakbo raw si Mocha Uson as senator in the next senate polls (2019).
Bigla akong napa-Hesusmayosep! I immediately prayed to God na huwag sanang mangyari ito. Ha! Ha! Ha! Totoo, nabahala talaga ko. Akala ko panaginip lang.
Akala ko joke pero mukhang seryoso sila. Kaya agad akong nanghingi ng one minute prayer sa mga friends natin para hindi ito matuloy. Kasi nga, pag naging senadora ang lola Mocha ninyo, saan na kaya pupulutin ang bansang ito?
Kaya niyo pa ba? Kasi kami di na. Hindi pa nga namin nakukuha ang malaking random sa Solaire kaya sana mauna iyon bago makaupo si Mocha. Kaloka!
Parang comedy lang ang kaganapan sa pulitika natin, di ba? Meron tayong presidenteng isinusulong na ang pangarap na revolutionary government supported by my Pangga Jimmy Bondoc, Kuya Phillip Salvador na ikinaasiwa ko dahil heto siya’t nakaprente against the Aquino administration samantalang ang anak niyang si Josh ay isang direct descendant ng mga Aquino.
Nandiyan din ang maingay na si Arnell Ignacio, ang biglang nanahimik na si Kat de Catro kasi nakaupo na sa posisyon, ang may halatang wig na si Sec. Aquirre na kung anik-anik ang pinaggagawa, si House Speaker Pantaleon Alvarez na kinasusuklaman ng marami, ang mga sipsip daw sa pangulo na sina Gordon, Sotto, Zubiri, Pacman, etcetera, who seemed to have lost their balls in some billiard games.
Hay naku, the Philippines looks like a huge comedy bar now with all these people doing some stand-ups.
Umeeksena na rin daw ngayon sina Piolo Pascual and Robin Padilla na super-dikit din daw sa kampo ni Duterte. Whew! Nakakapagod na. Well, huwag kayong magalit sa akin dahil opinyon ko ito. Gumawa kayo ng sarili ninyong opinyon. Trolls dear, this is my page, gawa na lang kayo ng meme niyo, okay? Ha! Ha! Ha!
Good luck sa bansa nating ito na sandamakmak na ang mga komedyante. Huwag na sanang madagdagan pa. Yung ibang mga pulitikong walang bayag diyan, magsigising naman kayo. Baka bangungutin na kayo niyan! Charrroottt!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.