Balahurang basher naduwag kay Heart, natakot kay Chiz

ONE ugly side to social media is the existence of the so-called trolls.

Sila ‘yung mga nagtatago under the guise of fictitious names using fake photos to hide their identities, dauntless in expressing their inane thoughts pero duwag namang lumantad.

Biktima ng isang nagtatapang-tapangang troll na walang magawa sa buhay si Heart Evangelista. Paulit-ulit kasi nitong ipinost sa social media ang salitang “baog!” kaya hanggang ngayon ay hindi pa nagbubuntis ang aktres even if she’s been married to Sen. Chiz Escudero for years now.

Whether true or otherwise, ang salitang ito ay masakit para sa sinumang babae most especially to a woman—married or not—who believes that her womanhood, kundi man ang kanyang existence sa mundong ito, is meaningless kung hindi siya mabibiyayaan ng inaasam na anak.

Dahil sa salitang ‘yon repeatedly posted by a troll, natural lang na mag-react si Heart.

Oo nga naman, bakit mas marunong pa ang troll na ‘yon kesa kay Heart to decide on when she should get pregnant? Mismong kay Heart na nanggaling noon that infanticipating is a matter of time. Inip na inip na ba ang troll na ‘yon na makita kung gaano ka-cute at ka-adorable ang firstborn nila ni Chiz?

Couldn’t he or she wait to see Heart don her maternity dress na sosyal pa rin ang dating dahil may class naman talaga siya?

Hindi lang nagbubuntis, baog na agad? Hindi ba puwedeng niregla lang si Heart kaya hindi pa nakakabuo?

Knowing Heart who doesn’t fight back with cuss words gaya ng kanyang mga bashers, her decent reply—which is only reflective of her breeding—should silence the troll.

Eh, kung sa iba-iba ‘yan, itsura ng away sa wet section ng palengke ang kalalabasan ng sagutan sa pagitan ng basher at ng bashee!

Eh, ‘di supalpal tuloy ang troll na ‘yon na duwag naman pala! Baka natakot din kay Sen. Chiz at baka ipatawag pa siya sa Senado.

At ang inakala niyang masusundan ng pagsang-ayon sa kanyang pamba-bash kay Heart ay kinulapulan pa ng pagkampi sa aktres who, in the first place, ay wala namang ginagawang masama sa basher na ‘yon o sa mga kampon nito!

Read more...