Payo ni Gloria Diaz kay Rachel Peters: Wag kumain nang kumain

BASAG na basag ang beauty ni Bb. Pilipinas-International Mariel de Leon sa social media pagkatapos matalo sa Miss International 2017 na ginanap sa Japan. Until now, ayaw tigilan ng mga basher ang dalaga sa hindi niya pagpasok kahit sa Top 15.

Marami ang naniniwala na nakaapekto kay Mariel ang negative feedbacks ng netizens sa kanya sa pagsali niya sa nasabing pageant.

Maging si former Miss Universe Gloria Diaz slightly alarmed when we mentioned to her about the negative reactions ng netizens kay Mariel.

“It should not kasi ‘yung voting through text, that really makes a difference, ‘di ba? Even our Miss Universe, si Pia (Wurtzbach) ang taas ng kanyang vote sa online,” say ni Gloria nu’ng makausap namin sa press launch ng 13th Cinema One Originals.

Ang next na aabangan naman ay ang representative natin sa Miss Universe na si Rachel Peters. Hiningan namin ng advice si Gloria para kay Rachel.

“Oh, what advice can I give them? They know what they’re doing. Maybe even better than I ever did. I think, just go, enjoy. Take lots of photos and focus. Don’t eat too much. Usually, the food is so good, e. Para hindi lumaki ang tiyan. Stomach in, put your butt out, chest out, and wa-a-a-lk.”

Joining beauty pageants according to Gloria is all about confidence, “The physical beauty kasi you can fix that hindi ba? The confidence pwedeng pag-aralan ‘yan. In the beginning kasi usually they’re shy. Pero, join many, many times.

“Three times, four times. Kasi during my time walang ganu’n, e. Kung pango ka, you have to face them. If you’re flat-chested, that’s it. And you can only join once. Pero ngayon, go with the flow,” lahad niya.

Dagdag pa ni Gloria, “Ang gaganda talaga nila. Ang tatangkad. Siyempre we have a lot of melting pot of praises so, talagang gumaganda sila. And now, you know, kulang ang boobs? Dagdagan! Medyo pa-ngo? Dagdagan! Talo now? Sali ulit! So, free for all na ngayon, e.”

Natawa naman kami sa sagot ng aktres kung willing ba siyang magparetoke ng mukha kung ngayon siya sumali sa Miss Universe.

“Hindi na,” diin niya. “Mag-aasawa na lang ako. Mag-aanak ng sangkaterba. Ha-hahaha!”
Anyway, going strong pa rin daw sila ng boyfriend niya for 21 years na si Mike de Jesus. They don’t live together at wala pa raw sa plano nila ang magpakasal.

“Enjoy lang kami. We don’t have to get married. In spite my ex-husband died na, hindi ba? I think there’s no occasion to get married, it’s just piece of paper. But he’s single. He’s never been married,” aniya pa.

Five minutes away lang daw ang bahay niya sa San Lorenzo to Mike’s abode in Dasmariñas, Makati City.

She already married twice. Una kay Bong Daza na anak ni Nora Daza at kapatid na si Sandy Daza. All her children including Isabelle Daza are from her first hubby.

“Maybe if I find a house, or he finds a house with one big bedroom, with lots of closet, two big bathrooms, baka, we’ll get together. But otherwise, we are fine,” Gloria added.

Samantala, kasama si Gloria sa dark comedy film na “Si Chedeng At Si Apple” na isa sa mga entries sa 13th Cinema One Originals with Elizabeth Oropesa na idinirek nina Fatrick Tabada at Rae Red.

Nagsimula nang ipalabas ang mga pelikulang kasali sa festival na tatagal hanggang Nov. 21 sa Trinoma, Glorietta, Gateway, UP Cine Adarna, Cinema 76 at sa Cinematheque. Bukod diyan, magkakaraoon naman ng extended run ang mga entry mula Nob. 22-28 sa Power Plant Mall.

Read more...