Ex-Bukidnon cong kinasuhan sa ghost project | Bandera

Ex-Bukidnon cong kinasuhan sa ghost project

Leifbilly Begas - November 19, 2017 - 07:39 PM

    Kinasuhan si dating Bukidnon Rep. Candido Pancrudo Jr., kaugnay ng maanomalya umanong paggamit ng kanyang P36.9 milyong pork barrel fund noong 2007 at 2008.     Walong kaso ng graft at malversation of public funds ang isinampa kay Pancrudo.     Kasama niya sa kaso sina Farmerbusiness Development Corp. representatives Johanne Edward Labay, at Victorino Ujano, project consultant Jesus Esmeralda, mga opisyal ng Technology Resources Center na sina Antonio Ortiz, Dennis Cunanan, Maria Rosalinda Lacsamana, Francisco Figura, Marivic Jover, at Consuelo Lilian Espiritu.       Inirekomenda ng prosekusyon ang P480,000 piyansa sa bawat akusado para sa kanilang pansamantalang kalayaan.     Ayon sa kaso, ‘ghost’ umano ang mga livelihood project na ginastusan ni Pancrudo ng kanyang pork barrel fund. Si Pancrudo rin umano ang pumili sa FDC, bilang non-government organization na magpapatupad sa kanyang proyekto.     Nadamay naman sa kaso ang mga opisyal ng TRC dahil sa pagkabigo na tiyakin na kuwalipikadong NGO ang pagkakagastusan ng pondo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending