Sigaw ni Lovi Poe: Kahit kailan hindi ako nagmakaawa sa lalaki para sa pag-ibig!
SUMALANG sa lie detector test ang tatlong leading ladies ng coming series ng Kapuso Network na The One That Got Away – sina Lovi Poe, Rhian Ramos at Max Collins, bilang katuwaan. Mga tanong tungkol sa kanilang “ex” ang ibinato sa kanila.
Ang tanong kay Lovi ay kung nagmakaawa na ba siya pagdating sa pag-ibig. Mataray na sagot ng Prime Actress, “I never beg for love!”
Tanong naman kay Rhian kung naranasan na niyang mag-stalk sa ex-boyfriend. Inamin niyang minsan na siyang nag-stalk sa kanyang ex. Rason niya, sa panahon ng social media, normal na ‘yung maging updated siya sa mga ganap ng kanyang past relationship.
Si Max naman na soon to be Mrs. Pancho Magno ngayong Disyembre, sinabing hindi siya selosa at possessive na girlfriend.
Sa bago nilang Kapuso series, sila ang mga babaing iisa ang naging ex-boyfriend na gagampanan naman ni Dennis Trillo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.