Iñigo kakanta ng Disney movie theme song


SA nakaraang launching ng Miss Silka Philippines 2017 ay masayang ibinalita ng Cornerstone staff na si Caress Caballero at handler ni Iñigo Pascual na super busy ngayon ang anak ni Piolo Pascual.

Kaliwa’t kanan kasi ang trabaho nito tulad ng recording, hosting, taping for online projects, out of the country shows at TV commercial shoot.

At ang pinakamagandang nangyari pa sa career ng binata ngayong 2017 ay ang pagkakapili sa kanya ng Disney para kumanta ng theme song ng animated movie na “Coco” na may titulong “Remember Me” na ni-launch na nu’ng Martes ng gabi.

“Actually, hindi lang sa Pilipinas ‘yung kay Iñigo, sa Southeast Asia siya ‘yung kumanta, di ba, iba naman kasi ‘yung sa US version? Kaya ang saya-saya ni bagets,” saad ni Caress.

Ilo-launch naman ang music video ng “Remember Me” sa ASAP ngayong Linggo, na sinulat ni Academy Award winner Kristen Anderson-Lopez at ni Robert Lopez. Sila rin ang sumulat sa theme song ng pelikulang “Frozen” (2013) na may titulong “Let It Go” na kinanta ni Idina Menzel.

Going back to Inigo, soldout na ang “Dahil Sa ‘Yo, Thanksgiving Concert” niya sa Music Museum sa Dec. 1, Biyernes, 8 p.m..

Read more...