Pagtanggap ng benepisyo ng mga SSS members mapapabilis na
MABILIS nang matatanggap ang mga miyembro ng Social Security System (SSS) ng kanilang benepisyo
Sa kasalukuyan may mga inisyatibo nang ginawa ang SSS para lutasin ang isyu o gusot sa ahensiya
Ito ay tulad ng regular na reconciliation at paglilinis ng “unpostables” para itama ang rekord.
Malapit nang maging basehan ng pagbabayad ng utang sa SSS ang Cash Collection System kaysa sa kasalukuyang manual na pagpost ng bayad sa member loans.
Ipapatupad na ang real-time posting ng kontribusyon at bayad sa utang ng mga miyembro sa unang bahagi ng taong 2018 para mabawasan o tuluyang nang mawala ang unposted collection.
Prayoridad ng Commission ang pagpapaunlad ng proseso sa contribution collection para mas bumilis ang pagproseso ng mga benepisyo at sa darating na panahon ay isinasaayos na rin ang pre-approved salary loans para sa mga kwalipikadong miyembro,
Sa report bumaba ang undistributed collection o koleksyon na hindi pa naipost sa tala ng mga miyembro sa P817 milyong noong unang tatlong buwan ng taong 2017, o pagbaba nito ng 28.2 porsyento mula sa P1.135 bilyon noong taong 2016.
Ang undistributed collection ay hindi kotribusyon ng miyembro kundi bayad sa kanilang utang sa SSS.
Malaki na ang nabawas sa undistributed o unposted member loan payments mula P1.8 bilyon noong 2015, naging P1.135 ito noong 2016, at bumaba pa ito sa P817 milyon sa pagtatapos ng Marso 201
Tinawag din pansin ng SSS ng Commission on Audit sa 2016 Annual Financial Reports on Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs) na nakaulat ang P1.135 bilyon na undistributed collections sa ilalim ng “other current liability-member loans (OCL-ML)”.
SSS MEDIA AFFAIRS DEPARTMENT
(02) 9206401 local 5050, 5052-55, 5058
7th floor SSS Building, East Avenue,
Diliman, Quezon
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.