Robin ibinandera ang donasyon ni Sharon sa Marawi: Maraming zero! | Bandera

Robin ibinandera ang donasyon ni Sharon sa Marawi: Maraming zero!

Ervin Santiago - November 17, 2017 - 12:20 AM

ROBIN PADILLA AT SHARON CUNETA

IBINANDERA kahapon ni Robin Padilla ang pagiging generous ng kanyang leading lady sa pelikulang “Unexpectedly Yours” na si Megastar Sharon Cuneta na nag-donate rin para sa mga biktima ng Marawi siege.

Pero ayon kay Binoe, nakiusap si Mega na huwag nang banggitin kung magkano ang kanyang ibinigay.

Narito ang post ni Robin sa kanyang Instagram, “Sa ngalan ng nag iisang Dios ang mapagpala at ang mahabagin. Walang pinakamatamis sa larangan ng kawanggawa kundi ang pagdating ng mga kaibigan at mag alay ng kanilang kamay para kagyat na makatulong sa mga nangangailangan.

“Wala rin makapapantay sa kaligayahan ng isang rebolusyonaryo kapag ang nagbibigay na kamay ay naniniwala sa adhikain at intensyon ng pagkilos lalot ang katulad ni Sharon Cuneta na matagal ng kilala sa industria ng pelikulang pilipino bilang isang matulungin at maasahan ng mga nangangailangan.

“Maari kong sabihin na isa siya sa aking tinularan na tumutulong kahit wala sa harap ng camera, sa katunayan pinilit ko siya sa pamamagitan ng katwiran na kailangan ko gawin para pamarisan ng mga may puso kaya pumayag na ilabas ko ang larawan na ito dahil hindi niya nakaugalian na mapublicize ang kanyang magandang gawa.

“Napakalaki rin ng kanyang inambag sa Tindig Marawi hindi na siya pumayag na sabihin ko ang halaga pero marami itong zero. Allah hu akbar Allah hu akbar Allah hu Akbar!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending