KUNG si Gerald Anderson ang masusunod mas type niyang magpakasal sa beach. Iba raw kasi ang feeling kapag nakakakita siya ng dagat.
“Maganda sa beach para medyo relax lang. Ayaw ko ng sobrang formal. Okay na sa akin yung nasa dagat, cool and relax lang kayo,” ang pahayag ng Kapamilya hunk. Siyempre, alam naman ng lahat na si Bea Alonzo ang dine-date ngayon ni Gerald at marami ang umaasa na sa kasalan din mauuwi ang kanilang relasyon.
Ito’y matapos maging top trending topic sa Twitter at makakuha ng napakataas na rating ang wedding episode ng daytime series nila ni Kim Chiu na Ikaw Lang Ang Iibigin sa ABS-CBN.
Sey ni Gerald, regalo raw talaga nila ito sa lahat ng Kimerald na walang sawang sumusuporta sa kanila ni Kim kahit na may kanya-kanya na silang buhay ngayon.
“Ako personally, natutuwa kasi at least maraming fans na masaya. Alam natin na matagal din nilang hinintay ‘yun. Ang dami naming pinagdaanan bago kami umabot doon. I think kaya mas naging maganda at beautiful ang eksena dahil sa mga pinagdaanan namin,” ani Ge.
Ngayong mag-asawa na sina Gabriel (Gerald) at Bianca (Kim) sa kuwento ng ILAI, mas marami pang pasabog na dapat abangan ang manonood, “Oo, marami pang mangyayari. Recently, nalaman na kung sino talaga ang tatay ko. Marami pang dapat abangan. Si Gabriel at si Carlos, kami ni Jake (Cuenca), magtutuos pa kami kaya sana huwag na huwag silang bibitaw.”
Kasama pa rin sa Ikaw Lang Ang Iibigin ng Dreamscape Entertainment, sina Michael de Mesa, Gina Pareño, Daniel Fernando, Coleen Garcia, Bing Loyzaga, Andrea Brillantes, Grae Fernandez at marami pang iba, sa direksyon nina Dan Villegas, Onat Diaz, Jerome Pobocan, Darnel Joy Villaflor at Jon Villarin.