NAKAKALOKA ang marami sa ating mga kababayan – ang gagaling manlait. Walang patawad.
Ang kinakawawa naman nila ngayon ay si Mariel de Leon dahil natalo nga ito sa katatapos lang na Miss International 2017 sa Japan. Hindi kasi nakapasok sa Top 15 ang dalaga.
Merong nagsasabing anti-Duterte raw ang anak nina Boyet de Leon at Sandy Andolong kaya natalo.
Hasus! Mga bobo. Bakit? Pag sumali ba ang supporter ni Duterte sa kahit anong pageant ay sure win na?
Kaululan at its highest degree. It’s still a game of chance, ‘no! Pero kung nanalo iyon, naku for sure halleluiah lahat, iba na ang sasabihin nila. Mga plastikada! Kaya nga contest, di ba? May winner at may loser. Hindi porke di pumasok sa Top 15 ay loser na totally. May kasabihan nga tayo that there’s also victory in losing, mga dahlins!
We still admire her perseverance and Ms. Mariel has beauty, charm, confidence, intelligence and courage. Ang gaganda niyo kasi Teh! Kayo kaya ang sumali, tingnan natin kung kayanin n’yo ang pressure. Ang mahalaga rito ay hindi siya nagkalat.
Okay lang naman kung objective ang mga opinyon ng mga hitad about Mariel pero hindi eh, talagang winawasak na nila ang pagkatao ng dalaga. Just because she was vocal about her position sa pamamalakad ng pamahalaan even before Binibining Pilipinas, masama na siya?
Mabuti nga siya may concern sa kapaligiran natin, eh. Parang kay gaganda n’yo! Kakapikong basahin ang mga comments ng bashers ni Mariel. Mga bastos! I hate these trolls.
Anyway, I don’t know kung kailan babalik sa bansa ang ating beauty queen. Sana lang, people treat her like other winners kahit hindi siya nagwagi. Yung irespeto siya dahil hindi rin biro ang pinagdaanan niya para lang mapangalagaan ang imahe ng Pilipinas sa Miss International.
q q q
Nakakaloka na naman si Presidente Duterte dahil pagkaalis ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau ay bigla na naman itong nagtaray by saying na nainsulto raw siya nang tanungin ng Canadian leader about the human rights issue sa Pilipinas.
Nagalit daw siya. Kaya nga raw siya nagmumura pag merong foreigner na pinakikialaman ang political issues ng Pilipinas dahil wala raw siyang dapat ipaliwanag sa kanila. Only to his fellow Filipinos lang daw.
May nag-react na isang anti-Duterte at sabi’y, “Bakit hindi niya minura si Trudeau nu’ng kausap niya? Pangiti-ngiti pa siya, di ba? Kitang-kita sa photos nila na nakangiti sila pareho pero nu’ng makaalis na nagtaray na naman siya.
“Takot siya kamong murahin si Prudeau nu’ng nandito pa, matapang lang siya pag nakatalikod na. Isa pa, di ba sobrang galit niya sa Amerika pero pabiro niyang sinabing nautusan lang daw siya ni US President Trump na kumanta sa gala dinner nila kaya nakipag-duet siya kay Ms. Pilita Corrales. Hypocrite!” sabi pa ng isa nating observer.
“Pinagtawanan din ng mga kababayan natin ang hindi maayos na pagsusuot niya ng Barong Tagalog unlike the other foreign leaders. Siya ay chaka talaga, tiniklop pa niya ang sleeves nito kaya nagmukha siyang siga sa kanto. Hindi pa naman siya kaguwapuhan kaya it’s not pleasing to the eyes. Kaloka!” sabi naman ng isang nabuwisit sa mga lumabas na photos ng Pangulo in our native Barong.
Okay na kasi sana ang naging palakad nila sa ASEAN Summit recently kaso lang ay may anik-anik na namang kadramahan si P-Dutz against the Canadian leader, not to mention pa ang pabastos na pagkumpronta nitong si Sass Sasot sa isang BBC reporter for not interviewing her daw para sa side niya laban sa sinabi ni Pinoy Ako Blog founder na si Jover Laurio.
Ano ba naman ang mga taong ito, parang walang urbanidad. Kaya ka siguro hindi ininterbyu ng BBC dahil hindi ka NEWSWORTHY, period, walang comma. Nakakahiya! Ipagpilitan ba ang sarili na mainterbyu ng BBC. Kapal.
What an embarrassment for our country. Hay naku!