JAKE VARGAS, BEA BINENE nagplano raw magtanan pero napigilan ni KUYA GERMS

Nakausap namin kahapon ang isa sa mga regular performer sa Sunday All Stars na si Jake Vargas, at nilinaw nga niya sa amin ang tungkol sa chikang gusto na raw niyang umalis sa pangangalaga ng kanyang manager na si Kuya Germs.

Ayon sa Kapuso young actor, wala raw katotohanan na nagkaroon sila ng matinding away ni Kuya Germs kaya inis na inis siya rito ngayon. Aniya, “Hindi naman poi totoo ‘yun, tsaka ‘yung balita na tumakas daw ako, na nawala ako ng apat na araw, totoong nawala ako, pero apat na oras lang ‘yun, may ginawa lang kasi ako,” simulang kuwento ni Jake.

“Tsaka, bakit naman ako magagalit kay Kuya Germs, napakalaki ng utang na loob ko sa kanya, hindi po ako aalis sa kanya bilang manager ko po. Alam naman ng lahat kung paano siya gumagawa ng paraan para magka-projects ako,” chika pa ng binata. May kontrata rin daw siyang pinirmahan noon kay Kuya Germs at sa pagkakaalam niya, tatlong taon pa raw ‘yung contract nila.

Nilinaw din ni Jake ang mga tsismis na nagplano silang magtanan ng rumored girlfriend niyang si Bea Binene pero napigilan daw ni Kuya Germs, “Una po, hindi pa po kami, gusto ko siyang ligawan, pero hindi po kasi ‘yun ang priorities namin. Gusto lang po muna naming magtrabaho. ‘Yung tanan, hindi po naming naiisip ‘yun, ang babata pa po namin.”

Totoo ba na hindi boto si Kuya Germs kay Bea kaya hindi niya ito maligaw-ligawan? “Tingin ko naman po hindi, kasi parang si Kuya Germs pa nga po ang nag-aano sa amin, e. Basta ang advice lang ni Kuya Germs sa amin, huwag magmadali at mag-focus muna sa loveteam namin para mas malayo pa ang marating namin sa showbiz.”

Read more...