Rookie cop huli sa rape


INARESTO ng pulisya ang bagitong pulis na inakusahang humalay sa 17-anyos na estudyante kamakalawa ng gabi sa Taguig.
Kinilala ni Southern Police District (SPD) director Chief Supt. Jose Erwin Villacorte ang suspek na si PO1 Jordan Pugon, 28, nakatalaga sa Regional Public Safety Battalion ng National Capital Region Police Office (RPSB-NCRPO) at nanunuluyan sa Padilla st., Purok 6-A, Barangay Lower Bicutan.

Sa pahayag ng biktima kay PO1 May Anne Baguino, ng Taguig police Women and Children Protection Desk, nasa tapat sina ng boarding house pasado alas-10 ng gabi nang lapitan  ng suspek, na kanya ring ka-board mate, at biglang niyakap at tinangkang halikan.

Nagalit ang biktima kaya’t ipinasiya niyang pumasok sa kanyang inuupahang silid subalit lingid sa kanyang kaalaman ay sinundan siya ng suspek at sa pamamagitan ng pananakot ay umano’y hinalay.

Pagkatapos ng insidente, agad na humingi ng tulong ang biktima sa kanyang mga kaibigan at kamag-anak.  Sinamahan siya ng mga ito sa pinakamalapit na presinto.

Read more...