OVERWEIGHT ka ba?
Dapat na sigurong magbawas ng timbang dahil ang pagiging overweight ay may peligro sa pagtibok ng puso.
Ayon sa bagong pag-aaral sa Europe, na ang mga kalalakihan ay nagkakaroon ng isang uri ng irregular heartbeat na tinatawag na atrial fibrillation nang mas maaga kaysa sa mga kababaihan at ang pagiging overweight ang pangunahing dahilan ng nasabing kondisyon.
Ang atrial fibrillation ay nabubuo kapag ang itaas na bahagi ng puso o atria ay nanginginig imbes na tumitibok para maayos ang pagdaloy ng dugo.
Kung ito ay hindi kaagad malulunasan, lumalaki ang panganib na ma-stroke at mauwi sa kamatayan.
Sinuri ng University Heart Center sa Hamburg, Germany, ang record ng 79,793 katao, edad 24 hanggang 97, na walang kaso ng atrial fibrillation sa simula ng nasabing pag-aaral.
Nagsagawa ang grupo ng pagtatantiya sa kalusugan ng mga kalahok sa ginanap na median follow-up period na 12.6 taon hanggang ma-ximum follow-up period na 28.2 taon.
Sa nasabing panahon, 4.4 porsiyento ng mga kababaihan at 6.4 porsiyento ng mga kalalakihan ay nakita na nagkaroon ng nasabing kondisyon.
Nalaman din ng grupo na sa edad na 90, ang atrial fibrillation ay nabuo sa halos 24 porsiyento ng kalalakihan at kababaihan. Ang nasabing kondisyon ay mahigit na nagpa-triple rin sa peligro na mamatay ang isang tao.
Ang diagnosis rate ng atrial fibrillation ay tumataas sa mga kalalakihan sa edad na 50 pataas habang ang mga kababaihan ay nasa edad na 60 anyos pataas.
Nabatid din na ang mataas na body mass index o BMI ay mas mala-king risk factor para sa kalalakihan kaysa sa kababaihan, kung saan ang mga panibagong kaso ng atrial fibrillation ay mas mataas sa mga kalalakihan kaysa sa mga kababaihan sa pagtaas ng BMI: 31 porsiyento sa kalalakihan kumpara sa 18 porsiyento sa kababaihan. Ang nakakagulat ay ang mataas na kabuuan ng kolesterol, na isang risk factor para sa heart disease, ay nagpababa sa peligro ng pagkakaroon ng atrial fibrillation lalo na sa kababaihan bagamat ang mga mananaliksik ay hindi sigurado sa mga dahilan kung bakit ito nagkaganoon.
“It’s crucial to better understand modifiable risk factors of atrial fibrillation,” sabi ni study author Christina Magnussen, M.D.
“We advise weight reduction for both men and women,” dagdag pa ni Magnussen. “As elevated body mass index seems to be more detrimental for men, weight control seems to be essential, particularly in overweight and obese men.”