Proper toilet habits simulan habang bata pa

HABANG bata pa, dapat ay tinuturuan na ang mga ito sa tamang toilet habits para mapanatili ang maayos na kalusugan.

Ayon sa isang pag-aa-ral na isinagawa noong isang taon, 62 porsiyento ng kalalakihan at 40 porsiyento ng kababaihan ang hindi naghuhugas ng kamay matapos gumamit ng banyo.

Kaya alinsunod sa adbokasiya ng United Nations General Assembly na World Toilet Day na nagtutulak ng maayos na mga palikuran para sa lahat sa 2030, nakiisa ang Rentokil Initial ng Adopt-a-School program para turuan ang mga bata mula sa Kindergarten hanggang grade school ng basic proper toilet habits. Unang paaralan na kanilang susuportahan ay ang Makati Gospel Church New Life Christian Academy.

Ang Rentokil Initial ay provider ng mga hygiene solutions.

Dalawa lang ang dapat tandaan pagdating sa toilet hygiene:

Wala ba kayong mga kamay?

Madaling dapuan ng dumi ang mga kamay. Habang ang paboritong tambayan ng germs na madalas makaengkwentro ng mga kamay ay ang doorknobs, kitchen counter, at ang banyo.

Sa isang research, 50 porsiyento ng mga lalake ay hindi naghuhugas ng kamay o kung maghugas man ay mali at kulang.

Ang solusyon? Hugasan ang kamay ng sabon. Magsimula sa pa-lad, papunta sa likod ng kamay at iisa-isahin ang mga daliri. Dalawang kanta ng “Happy birthday” o 20 segundo ang tamang tagal ng paghuhugas ng mga kamay.

OK na? Hindi pa. Kailangang gamitan din ng hand sanitizer, na kadalasan ay hindi ginagawa ng mga tao. Tumutulong ang hand sanitizer para mas pulido ang paglilinis. Siyempre mas ok ito kaysa sa alcohol na nagdudulot ng pagkatuyo ng balat. Kaya kung gusto mo ang malinis at flawless na skin, ay make sure na umaabot na 70% alcohol at may moisturizer ang iyong hand sanitizer.

Ang bowl, bow!

Germs at bacteria lalong lalo na ang Ecoli ang pwedeng ibuga ng isang toilet bowl na maling ipina-flush.

Ang toilet bowl ay may sistema kung saan ito ay ‘bumabahing’ o dumudura ng hangin matapos itong i-flush. Dahil dito, nagsasaboy ito ng mga kadiring germs na hindi mo nakikita sa ere na pwedeng kumapit sayo

Ang solusyon?

Huwag kalimutang isara ang toilet bowl bago i-flush. Kung ang iyong toilet bowl, gaya ng karamihang Pinoy, ay gumagamit ng tabo, takpan ang bibig at ilong bago magbuhos. Linisin din ang toilet seat, dahil ito ang number one tambayan ng bacteria sa banyo.

Para mas madaling tandaan isang simpleng paalala ang dapat mong tandaan: When you flush, cover and wash.

6 banyo quick facts:

1. Ang isang tao ay bumibisita sa banyo ng hindi bababa sa 2,500 beses kada taon. Tatlong taon sa buhay natin ay nagugugol sa pagbabanyo.

2. 50 taon ang average life expectancy ng isang toilet

3. Ang hindi tamang sanitation ng public toilet ang kadalasang sanhi ng diarrhea, cholera, typhoid, trachoma at parasitic worms

4. Pinakamalakas kumonsumo ng tubig na parte ng isang ordinaryong tahanan ay ang toilet

5. Isa lang sa bawat 20 katao ang naghuhugas ng tama pagkagamit ng banyo.

6. Umaabot ng 6 feet ang layo ng talsik ng mga germs kapag nag-flush ng toilet na hindi tinakpan.

Read more...