Mccoy, Elisse magdyowa na, talbog ang asukal sa kaswitan

ANG daming kinikilig sa mga sweet moments nina Mccoy De Leon and Elisse Joson.

Sa iba’t ibang fan club nila ay ang daming photos and videos which captured them in various states of sweetness. May mga eksenang nagkukulitan sila during taping for The Good Son where they play Sabina and Obet, du-ring interviews and pictorials. There are also videos showing them na magkahawak-kamay.

In one shot, merong suot na identical necklace ang dalawa na labis na ikinakilig ng fans nila. Ang feeling nila ay magdyowa na sila.

We will not be surprised kung maging hit ang first concert nilang “McLisse Live” at the Skydome on Nov. 26. Ang dami na kasing fans nila ang bumili ng ticket. Parang group date ito ng mga fans all over the country.

Read more...