Anne, Erwan ikinasal na sa New Zealand; Anne-Kabogable wedding gown pinag-usapan

 

SA New Zealand naman, sa kabila ng masaklap na pangyayaring ito, ikinasal na nga sina Anne Curtis at Erwan Heussaff na sinaksihan ng kanilang mga pamilya, kaanak at mga kaibigan in and out of showbusiness.

Nagpalitan na nga ng “I dos” ang bagong kasal sa ginanap na outdoor garden wedding sa Thurbly Domain, Southland, New Zealand. Ilan sa mga celebrities na naroon bukod kay Vice ay sina Vhong Navarro, Tim Yap, Isabel Daza, Kim Atienza, Solenn Heussaff, Angel Locsin, Luis Manzano, Jessy Mendiola at marami pang iba.

Marami namang huma-nga sa wedding gown ni Anne at sa bonggang kasal nila ni Erwan. May mga netizens nga ang nagtanong kung sinagot ba raw ng bagong kasal ang pamasahe ng lahat ng kanilang guests. Sigurado raw milyones ang ginastos ng dalawa sa kanilang wedding.

Read more...