Sa tanong kung “Gaano po kayo nasisiyahan o hindi nasisiyahan sa ikinikilos ng ating gobyerno ukol sa kanilang ginagawa upang masugpo ang grupong Maute na lumusob sa Marawi City?” sinabi ng 66 porsyento na sila ay nasisiyahan.
Mas mababa ito sa 67 porsyento na naitala sa survey noong Hunyo.
Samantala, sinabi naman 18 porsyento na hindi sila nasisiyahan. Ang 16 porsyento naman ay undecided.
Naniniwala naman ang 54 porsyento na kayang puksain ng Armed Forces ang teroristang grupo sa Marawi kahit na hindi nagdeklara ng Martial Law si Pangulong Duterte sa Mindanao. Ang hindi sang-ayon sa pahayag na ito ay 25 porsyento at ang undecided ay 22 porsyento.
Sa tanong kung naniniwala o hindi na ang mga teroristang sumalakay sa Maute ay tumatanggap ng drug money, sinabi ng 60 porsyento na sila ay naniniwala at 11 porsyento ang hindi. Ang undecided ay 29 porsyento.
Ang survey ay ginawa mula Setyembre 23-27 at kinuha ang opinyon ng 1,500 respondents.
MOST READ
LATEST STORIES