Southern Leyte niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.4 ang Southern Leyte ngayong hapon.
    Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-2:33 ng hapon.
    Ang sentro nito ay 14 kilometro sa kanluran ng Pintuyan at may lalim na 19 kilometro. Sanhi ito ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
    Nagdulot ito ng Intensity III paggalaw sa Surigao City.

Read more...