Hashtag member Franco Hernandez nahulog sa banca, nalunod

 

KINUMPIRMA ng pulisya na nasawi ang Hashtag member na si  Franco Miguel Hernandez Lumunlan matapos malunod sa North Lamidan, Don Marcelino sa Davao Occidental Sabado ng hapon.

Alas-3 ng hapon ng malunod ang si Franco, ayon sa Cornerstone Management na siyang nagma-manage ng career ng binata.  Ito ay base sa report ni PO2 Rolly Canod.

Si Franco ay member ng Hashtag, na grupo na regular na lumalabas sa Showtime ng ABS-CBN.

Ayon pa sa report, sakay si Franco ng motorized banca kasama ang kanyang girlfriend, ang kagrupo na si Tom Doromal,  at dalawang iba pa, nang salubungin sila ng malaking alon.  Nahulog umano si Franco at ang girlfriend na hindi pa rin napangalanan.

Sinagip naman ang dalawa ng crew ng bangka, gayunman nang maiahon si Franco ay wala na itong malay hanggang sa dalhin sa Estacion Medical Clinic sa kalapit na bayan ng Malita, ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor na si Nimayre Macabaya.

Read more...