Horoscope, November 12, 2017

Para sa may kaarawan ngayon: Inuutusan ka ng langit na magsuot ng kulay na pula. Sapagkat sinasabing, magiging maligaya ang birthday mong ito sa kulay na pula. Sa pag-ibig, hindi makatatanggi ang minamahal kapag naka-red ka na underwear. Sa pinansiyal, mas maraming pera na matatanggap habang ikaw ay nakapula. Mapalad ang 3, 6, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare-Rama.” Bukod sa red buenas ang pink.
Aries – (Marso 21-April 19) — Pagbigyan ang pakiusap ng mga kliyente upang bumilis ang pasok ng salapi. Sa pag-ibig, wag masyadong dominahan ang kasuyo, may sarili siyang pagkatao. Mapalad ang 5, 14, 23, 35, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padma-Om-Pad-Mane.” Lilac at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Ngayong pa lang paghandaan na ang Kapaskuhan. “Operation Malawakang Paglilinis” ang dapat na ipatupad. Sa pag-ibig, kapag malinis na malinis na ang paligid puwede na uling magpahinga at magpamasahe sa minamahal. Mapalad ang 7, 9, 19, 24, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Savitra-Om.” White at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Sa pinansyal, ngayon pa lang mag-isip ka na ng dagdag na pagkakakitaan na ilulunsad sa panahon ng Kapaskuhan. Sa pag-ibig, bagong romansa ang kailangang matuklasan, upang muling sumigla ang pagmamahalan. Mapalad ang 3, 18, 22, 28, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dimidium-Facti-Om.” Orange at violet ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Isang nilalang nasa abroad ang magkakatulong sa prolemang may kaugnayan sa pananalapi. Sa pag-ibig, tandaang walang malayo at malapit sa mga pusong nagmamahalan. Mapalad ang 4, 8, 25, 28, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Neberius-Murmur-Furfur.” Green at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — May darating na bagong pagkakakitaan. ‘Wag ng magdalawang isip pa, sunggab agad. Kailangang magkaroon ng sariling career. Sa pag-ibig, tuloy ang panlalamig ng kasuyo, kailangang makagawa ka ng paraan upang siya ay muling mapag-init. Yayain ang kasuyo sa isang pribadong lugar na malamig ang paligid. Mapalad ang 1, 19, 28, 34, 45 at 49. Mahiwa mong mantra: “Aum-Karaam-Om.” Silver at lilac ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Simple lang ang sikreto ng pagyaman. Mag-tabi muna ng savings, bago gumasta. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo na mag-bukas kayo ng shared account na hindi gagastusin kahit ano ang mangyari. Mapalad ang 6, 14, 23, 32, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Blue at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Mga hindi inaasahang pangyayari ang magaganap patungo sa pag-unlad. Isang miyembro ng pamilya ang mag-aabot ng malaking halaga. Sa pag-ibig, ihanda ang sarili sa biglaang romansa – maligong mabuti at magpalit ng underwear! Mapalad ang 3, 18, 24, 27, 33 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit” Red at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Bawasan ang pagdadamot. Hindi ang pagiging makunat ang sikreto ng pagyaman, kundi ang pagiging mabait! Sa pag-ibig, ‘wag pahindian ang mga mahal sa buhay, ikaw lang ang tanging maaasahan nila. Mapalad ang 4, 16, 22, 36, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dabra.” Gold at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Wag magpaabala sa lipunan, sa halip, magpatuloy ka lang ng magpatuloy upang lalo pang lumago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, anoman ang balakid sa inyong relasyon, wag kang bibitaw – sa bandang huli may kaligayahang naghihintay. Mapalad ang 5, 9, 23, 31, 36 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Beige at white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Ituloy ang kasalukuyang diskarte. Habang nagsisikap tuloy-tuloy na madodoble at lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, ipagpatuloy ang masayang pakikipag-relasyon sa isang may kayumangging kulay ng balat. Mapalad ang 7, 14, 27, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vincit-Quisoda-Om.” Blue at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Wag kimkimin ang sama ng loob. Kapag itinago ang galit, bigla din yang sasabog na makaka-apekto sa iyong negosyo at career. Sa pag-ibig, dagdag na romansa ang dapat sa halip na magalit sa kasuyong magulo. Mapalad ang 7, 11, 13, 25, 31 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Babam-Kebalam.” Orange at beige ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Tama ang iniisip mong lumayo muna sa lipunan. Gastos lang ang mapapala sa pagsalisali sa kung ano-anong gimmickan. Sa pag-ibig, imbis na makipag-sosyalan, mag-concentrate na lang sa minamahal at sa pamilya. Mapalad ang 9, 14, 16, 28, 35 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Me-Om.” Lilac at beige ang buenas.

Read more...