Higit na papalarin sa negosyo kaysa sa pag-aabroad
Sulat mula kay Daren ng Telegrafo, Tolosa, Leyte
Dear Sir Greenfield,
Sa ngayon ay nakapagtrabaho ako sa isang iron works company at sa ngayon ay kabisado ko na ang pasikot-sikot dito kasi pinagkatiwalaan ako ng aking amo. Balak ko sanang magnegosyo kaya lang wala pa akong malaki-laking puhunan. Pero bigla naman dumating ang kumpare kong nag-seaman at opisyal na raw siya ngayon sa barko. Inaaya niya ako na mag-barko. Naisipan kong sumulat sa inyo upang itanong kung saan ba ako dapat mag concentrate sa pagnenegosyo o mas magandang sumampa na lang ako sa barko. Sana maituro mo sa akin kung saan ako higit na papalarin, sa pagnenegosyo ba na may kaugnayan sa iron works o sa pagbabarko? December 26, 1982 ang birthday ko.
Umaasa,
Daren ng Tolosa, Leyte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Higit kang papalarin sa pagnenegosyo kesa sa pangingibang-bansa. Ito ang nais sabihin ng malinaw at makapal na Business Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, mas mainam ang negosyong kasalukuyan mong “minamaster” o pinag-aaralang mabuti. Kapag nagkaroon ka ng sapat na puhunan, sa negosyong may kaugnayan sa “iron works” at iba pang kauri nito, uunlad ka hanggang sa tuluyang yumaman.
Cartomancy:
Nine of Diamonds, Jack of Diamonds at King of Clubs (Illustration 1.) ang lumabas. Ang mga baraha ang nagsasabing siyam na taon mula ngayon, kung magko-concentrate ka sa pagnenegosyo na mangyayari sa tulong ng isang lalaking darating sa taong 2018, tiyak ang magaganap—siyam na taon mula ngayon, sa pagnenegosyong may kaugnayan sa iron works, uunlad at yayaman ka na.
Itutuloy…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.