Year-end bonus at cash gift matatanggap na ng gov’t workers-DBM

INIHAYAG ni Budget Secretary Benjamin Diokno na matatanggap na ng mga empleyado ng gobyerno ang kanilang year-end bonus at cash gift simula sa susunod na linggo.
“The Department of Budget and Management (DBM) is mandated to release the 13th-month pay on Nov. 15, but as it is a non-working day due to the Asean Summit, government workers will get them on Nov. 16,” sabi ni Diokno.
Idinagdag ni Diokno na katumbas ng isang buwang sweldo ang year-end bonus, samantalang aabot naman sa P5,000 ang cash gift na matatanggap ng mga kawani ng gobyerno.
Sinabi ni Diokno na naglaan ang DBM ng kabuuang P32.8 bilyon para sa year-end bonus samantalang karagdagang P6.9 bilyon ang inilaan para sa cash gift.

Read more...