LPA posibleng maging bagyo

Isang low pressure area, na posibleng maging bagyo, ang binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Sa ipinalabas na weather advisory ng PAGASA bago magtanghali kahapon sinabi nito na posibleng maging tropical depression o mahinang bagyo ang LPA sa loob ng 24 hanggang 36 na oras.
Ang LPA ay nasa layong 450 kilometro sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
“This weather system will bring scattered rainshowers and thunderstorms over Eastern Visayas and the regions of Caraga and Davao,” saad ng advisory.
Nagbabala ang PAGASA ng posibleng landslide at flash flood dahil sa pag-ulang ito.

Read more...