DavOcc niyanig ng magnitude 5.1 lindol

Niyanig ng magnitude 5.1 lindol ang Davao Occidental ngayong hapon.
    Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-3:23 ng hapon.
    Ang sentro nito ay 36 kilometro sa silangan ng bayan ng Don Marcelino. May lalim itong 112 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
    Ayon sa Phivolcs posibleng magkaroon ng aftershock ang pagyanig na ito.

Read more...