Luis may bonggang regalo kay Ate Vi: Maghintay lang daw ako ng 9 months!

VILMA SANTOS AT LUIS MANZANO

TAWA rin kami nang tawa sa ibinahagi ng aming dear idol-friend-kumare na si Cong. Vilma Santos, sa “Chizmax” that Sunday evening.

Belated birthday greetings kasi namin yun ng partner at kumare naming si Gretchen Fullido sa Star For all Seasons.

Kasalukuyang may dinner sa bahay nila sina Ate Vi nang paunlakan kami ng short greeting-interview.

Kasama niya that night ang kanyang pamilya sa pangunguna ni Sen. Ralph Recto, mga anak na sina Ryan at Luis Manzano with his GF Jessy Mendiola at ilan pang friends.

“Maghintay daw ako ng nine months,” sagot ni Ate Vi sa tanong namin kung ano ba ang regalo sa kanya ng panganay na anak na si Luis.

“Luko-luko talaga iyang isa na iyan. Ayaw na raw niya akong bigyan ng regalo at maghintay na nga lang daw ako ng nine months,” ani Ate Vi.

As usual tawa lang ang isinukli ni Luis nang ibigay dito ni Ate Vi ang phone sabay bati sa amin in his normal “comic” manner, “May bayad naman itong interview na ito di ba Kuya Ambet at ate Gretchen?”

Tumawa lang din si Jessy nang hingan namin ng reaksyon sa sinabi ng BF.

Pero base sa aming kuwentuhan, tanggap na tanggap na nga ng pamilya ni Luis si Jessy.

Kung totohanin ni Luis ang biro sa ina tungkol sa “nine months”, yan ang ating aabangan!

q q q

Feel na feel ng Kimerald fans ang kasalang naganap sa mga karakter nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa teleseryeng Ikaw Lang Ang Iibigin.

Marami ang nagsabing sana nga raw ay totoo na yun at sana raw ay magkabalikan na ang dalawa. Marami rin ang nagsabing kinilig sila sa kissing scene ng mag-ex sa kanilang wedding scene bilang sina Bianca at Gabriel.

At least kahit sa serye ay naikasal sila at nasaksihan ng fans and ang kanilang sweetness as couple. Just wondering, ito kaya yung eksenang balitang binantayan ni Xian Lim sa taping na naging sanhi raw ng pagseselos nito?

Read more...