MARAMING nakakapansing katrabaho ng isang male personality na hanggang ngayon ay kipkip pa rin niya ang kaangasan kahit saan. Dati nang may kayabangan ang aktor pero mas lumutang ‘yun nang magkaroon siya ng posisyon sa kanilang siyudad.
Napakalaki ng kanyang ipinagbago mula nu’n, kapag dumadalo siya sa mga aktibidad sa kanilang lungsod ay talagang gusto niyang kabugin ang mga kapwa niya pulitiko, hindi siya nagpapakabog.
“Palaging branded ang suot niya from head to toe. As in! English din siya nang English, puwede naman siyang managalog, pero palagi siyang nag-uumingles!
“Sabi na lang ng mga kasamahan niya, e, ibigay na sa kanya ‘yun dahil ngayon lang naman siya nakakatikim ng mga ganu’ng attention. Dati kasi, e, wala namang pumapansin sa kanya, itinataboy pa nga siya!
“Sa pananamit niya naman, e, naiintindihan din ‘yun ng mga kasamahan niya. Ngayon lang din naman kasi siya nakakatikim ng magagarang outfit dahil dati, e, wala naman siyang pambili!
“Okey na sanang ganu’n na lang siya, kaso, may ugali rin siyang kakaiba. Hinahanapan niya ng butas ang mga taong alam niyang malaking threat sa kanya. Hinaharang niya ang mga taong may promise na lumaki ang name sa politics.
“In short, bina-back fight niya ang mga taong wala namang masamang ginagawa sa kanya. E, lalayo pa ba naman tayo? Kung ‘yun ngang sikat na pulitikong tumulong sa kanya nang sobra-sobra, e, nakaya pa niyang siraan?
“‘Yun ang pinakamatindi niyang ginawa, tinatakan siya du’n ng mga nakakakilala sa kanya, nagalit sa kanya ang mga kasamahan niya,” kuwento ng aming source.
Ngayon ay nganga na siya, olat siya nu’ng nakaraang labanan, madalas siyang makitang nagbababad ngayon sa isang lugar na maingay, mausok at maraming makinang tumutunog.
“Nauna naman kasi ang yabang niya kesa sa pakikisama. Sayang ang political career niya, naudlot pa. Siguradong babalik uli siya sa kanyang pinagmulan,” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, pakitanong nga kina Jon at Ching Bautista Silverio kung nagetlak nila kung sino ang bumibida sa kuwentong ito?