Kahit reynang-reyna na, JUDAY hindi inaabuso ang ABS-CBN


IT’S a red-letter day today para sa mga fans ni Judy Ann Santos dahil finally ay magsisimula na ang pinakaaabangan nilang teleserye ng tunay na Reyna ng Pinoy Soap Opera, ang Huwag Ka Lang Mawawala sa ABS-CBN. Matagal-tagal ding nawala sa primetime drama sa telebisyon si Juday kaya super excited na ang kanyang mga fans.

Makakasama ni Juday dito sina KC Concepcion at Sam Milby. Kakaiba ang istorya ng serye nila – ito yung dating Against All Odds at sa tingin namin, mas akma sa istorya ang bagong titulo nito. Sam Milby plays offbeat role here, badboy siya rito unlike his past roles na puro goody-goody.

And in fairness to him, puring-puri siya nina Juday and KC at ng buong production team dahil he passed his role with flying colors. At hindi rin totoong ito ang role intended sana for Jericho Rosales, tailored talaga kay Sam ang karakter ni Eros from the very start.

Ibang role raw ang ibinigay kay Echo na tinanggihan nga ng aktor, not the one Sam is playing. Kaya ba hindi na tumuloy si Echo sa seryeng ito dahil ayaw na niya ng kissing scenes kasi nga Born Again na siya? Kung totoo man ito, wrong move for him as an actor but we have to respect that.

Anyway, going back, Judy Ann Santos is treated like a queen daw sa Huwag Ka Lang Mawawala. She is so spoiled pero never daw itong inabuso ni Juday. Maaaring ninamnam lang niya ang importansiyang ibinigay sa kanya ng team ni direk Jerry Sineneng para lalo siyang ma-inspire sa kanyang work.

Knowing Juday na marunong namang talagang makisama sa lahat, everything is so smooth. Very professional ang lahat sa set, Juday comes early sa tapings nila kaya walang dahilan para ma-late ang mga kasamahan niya.  Good luck sa kanilang lahat, for sure, this will hit Primetime TV again. Ganda ng istorya talaga nito – grabe!

Read more...