Boobs ni ANDREA TORRES may sariling buhay: lumalaki…lumiliit…


Inamin ng Kapuso leading lady na si Andrea Torres na pabagu-bago ang laki ng kanyang dibdib. Kung minsan daw ay malulusog ang mga ito, kung minsan naman ay  lumiit. Kapansin-pansin na malaki ang boobs niya ngayon, kaya may nagtanong kung sumailalim siya sa breast augmentation.

Sey ni Andrea, “Marami nga ang nagsasabi, pero pag nakita naman nila yung mommy ko, tsaka ate ko, ‘Ay!’ Makikita na nila, ‘A, okay, pare-pareho sila.’ It runs in the family. “Siguro depende rin sa damit, tsaka nakikita rin naman nila. Pati yung trainor ko minsan sinasabi niya sa akin, nakikita naman nila na pag pumapayat ako, lumiliit siya, pag medyo nagkakalaman ako, lumalaki na naman siya.

“Kasi para sa akin, hindi ko naman kailangan i-defend at di ko kailangang ma-offend, kasi siyempre, kung ako ang napansin nila, siyempe ‘yun naman ang usual na tatanungin, di ba? ‘Nagpa-ano ka ba?’ Kasi siyempre uso siya ngayon, pero di ako nao-offend,” depensa ni Andrea na mapapanood na sa bagong morning series ng GMA 7 na With A Smile kasama sina Christian Bautista at Mikael Daez na magsisimula na sa susunod na Lunes.

Natanong din ang aktres kung may balak ba siyang ipabago sa katawan niya, tulad ng ginagawa ng ibang artista. Sey ni Andrea, baka raw hindi sa ngayon dahil takot daw siya sa injection. “Hindi siguro, takot kasi ako sa injection, so alam ng mga doktor ko ‘yan, na kapag nandu’n na ako, ‘Ay!’

Wala akong pakialam kung wala akong poise, basta ayoko lang magpa-inject.Takot lang ako sa knife, sa injection.”Pero pahabol niya, “Siyempre hindi ko alam kung pagtanda ko, kung magpapa face-lift ba ako o ano, di ko masasabi. Pero ‘yun nga, sa ngayon, takot ako sa blood, takot ako sa pain.”

Read more...