CESAR: Naniniwala ako na magkakabalikan kami ni SUNSHINE!

GAGAWIN daw ni Cesar Montano ang lahat para magkabalikan sila ni Sunshine Cruz. At mukhang hindi rin papayag ang aktor na ipa-annul ang kasal nila ng nakahiwalay na asawa.

Sa interview ng Startalk kay Buboy noong Sabado, sinabi nitong nasa proseso pa rin sila ni Sunshine nang pag-aayos sa kanilang mga problema, pero wala raw sa options nila ang pagpapawalang-bisa ng kanilang kasal.

“Wala kaming dini-discuss na ganu’n. Katulad ng sinabi ko, I’m very positive and optimistic about it, about our relationship,” pahayag ni Cesar.

Kung matatandaan nagsalita kamakailan si Sunshine na ayaw na niyang makarinig ng kahit anong balita tungkol sa asawa, gusto na raw niyang mag-move on at kalimutan kung anuman ang namagitang hindi magdana sa kanila ni Buboy. Nag-away ang mag-asawa dahil sa pagkaka-link ni Cesar sa sexy star na si Krista Miller.

Ayon pa sa aktor, hinihintay na lang niyang maging “smooth” ang kapaligiran nila ni Sunshine, at handa na siyang   makipag-usap muli sa kanyang misis para muling maibalik ang maayos na samahan nila.

Naniniwala si Buboy na magkakabalikan pa rin silang mag-asawa, “I’m very optimistic, right now ang ginagawa ko, I don’t rush things, e. Gusto ko rin makita niya na kumportable na siya. Gusto ko sa kanya na rin manggaling na okay na,” sabi pa ni Cesar kasabay ng pagsasabing ramdam pa rin niya ang pagiging isa nila ni Sunshine.

“Iisa lang naman, e. Kapag nag-asawa kayo, isa na lang kayo, di ba? We still have private moments, we talk about things,” pahabol pa ng aktor.

Hirit pa nito, “From day one of the trouble…from day one, nandu’n ang intensiyon ko (na magkabalikan) until today. Nandu’n yun but, of course, it’s been a while, pero hindi pa naman ako titigil, nandidito ako para sa kanya.”

Read more...