Horoscope June 17, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: Mas gaganda ang kapalaran kung lagi kang nakangiti. Haluan ng saya ang pakikipagtransaksyon upang kumita ng mas maraming pera. Sa pag-ibig, imbis na ang kasuyo ang laging palabiro, ikaw naman ang kumiliti sa kanya. Mapalad ang 4, 9, 22, 35, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Soda-Om” Red at orange ang buenas.    
Aries – (Marso 21-April 19) —   Ingatan ang kalusugan, habang nagta-tag-ulan may babala ng karamdaman. Upang magpatuloy ang kasiglahan, panatiliin ang puso na laging in love. Katugma mo ang isang Leo. Sa pinansyal, tandaang malaki ang matitipid kung hindi ka magkasakit. Mapalad ang 1, 4, 13, 22, 31 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Beige at lilac ang buenas
Taurus – (April 20-May 20)—Panahon na upang maging body conscious. Dagdag na ehersisyo ang dapat! Sa pag-ibig yayain ang kasuyo sa paglalakad tuwing umaga, habang sweet kayong nagkukuwentuhan. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 42, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Shati-Pad-Me-Om.” Pink at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Hindi dapat magpabigla-bila ng desisyon.  Sa pinansyal bago maglabas ng salapi, isipin munang mabuti. Sa pag-ibig o hahayaan mong ang kasuyo ang magpasya, may sopresang kaligayahang mararanasan. Mapalad ang 5, 9, 25, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Araanam-Kebalam.” Blue at violet ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—  ‘Wag nang makisawsaw ng makisawsaw sa lipunan.  Mas mainam pang mag-concentrate na lang sa pamilya kaysa sa mamolitika. Sa pag-ibig, mas magiging maligaya ang bawat araw kung papahalagahan pang lalo ang private life. Mapalad ang 4, 8, 28, 33, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yasoda-Dosya-Om.” Green at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Sa pag-ibig, seryosohin ang minamahal, upang habang buhay kang lumigaya. Sa pinansyal, para yumaman, buwan-buwan kahit na P1,000 lang matutong magipon. Sa bandang huli makikita mo kusa ding lalago ang nasabing savings. Mapalad ang 1, 7, 11, 20, 29, at 47. Mahiwaga mong mantra:  “Vajur-Veda-Om.” Orange at maroon ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—  Upang lalo ka pang suwertehin sasakyan ang sikapin mong maipundar. Kapag nagkasasakyan kana piliin ang plate number na 555. Habang ang mapalad na kulay ay puti o kaya’y silver. Kapag nagawa mo yan, lalo kang magiging maligaya at yayaman. “Om-Jagat-Guro-Om” ang mahiwaga mong mantra.
Libra – (September 23-October 23)—Maging maingat lalo na sa pagpapautang. May babala na marami na namang mga kaibigan ang hindi magsisipagbayad, mabait ka kasi at madaling pakiusapan. Sa susunod wag na silang papautangin upang hindi sumama ang iyong loob. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Aum-Venit.” Pink at magenta ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Tiwala sa sarili ang susi upang umunlad at yumaman. Sa pag-ibig, sapat na ang iyong ganda, upang manatiling tapat ang kasuyo, wag ng maglagay ng kung ano-ano pang koloreta, lalo ka lang pumapangit. Mapalad ang 6, 15, 27, 36, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Violet at beige ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—  Sa pag-ibig, aanhin ang limpak-limpak na salapi kung kamumuhian ka naman ng iyong mga kamag-anak. Umpisahan nang maging mapagbigay! Mapalad ang 3, 9, 26, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Om-Jhana-Om.” White at green ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Ang mga Capricorn ay madaling nakakagawa ng pera, pero hindi iyon ang mahalaga sa halip ang mas mahalaga ay ang yumaman. Katuwang ang mga mahal sa buhay simulan na ngayon ang pagpapayaman. Mapalad ang 1, 13, 19, 26, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra:  “Gayatri-Savitra-Om.” Green  at golden yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Iwasan ang madalas na page-FB, sa halip ang mas dapat na atupagin ay ang mga bagay na pagkakaperahan. Sa pag-ibig Lunes ngayon, magsuot ng kulay na pula, upang ma-higop mo ang suwerte at maligayang relasyon. Mapalad ang 5, 14, 14, 23, 32, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Om-Durate-Om-Rebus.” Bukod sa red ang lilac ay buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Simulan ang pagbabagong buhay kahit gustong-gusto mo ng mangutang pigilin ang sarili. Sa pinansyal kailangang magtipid upang umunlad ang pamumuhay. Panahon na upang sanayin ang pamilya sa mga mumurahin pero masustansyang pagkain. Mapalad ang 2, 7, 20, 27, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dominum.” Green at silver ang buenas.

Read more...