1. Kumain ng agahan
Ayon sa mga pag-aaral, ang agahan ay malaking tulong para pakilusin ang isip. Ang mga bata na kumain ng agahan ay mas nakakapag-perform ng maayos sa eskwela kaysa sa mga batang hindi nag-agahan. Mabuting kumain ng mga high-fiber whole grains, gatas at prutas tuwing umaga.
2. Kape
Hindi pa rin nabibigo ang mga coffee drinkers na ga-wing “bala” ito sa sandaling manghina o mawalan ng gana sa ginagawang trabaho. Bagamat ang epekto nito ay panandalian lang, malaki pa rin ang tulong nito sa mga naghahabol ng deadline. Reminder: Huwag lang todo-todo ang inom.
3. Isda para sa utak
Para bongga ang paggana ng utak, kailangan kumain ng isda na rich sa omega 3-fatty acids. May brain power ang isda at sinasabing pangontra sa dementia at nagpapababa ng risk ng stroke. Para sa malusog na pag-iisip at puso, two servings ng isda kada linggo ang kailangan.
4. Nuts at chocolate
Ang iba’t ibang uri ng nuts ay magandang source ng antioxidant na vitamin E para mapanatili ang mahusay na pag-iisip kahit tumatanda na. Ang pagkain naman ng dark chocolate ay maganda rin para maging alerto. Para lang din siyang kape. Kailangan na i-take in moderation lang din.
5. Maayos na pagtulog
Ito pa rin ang “key” para mapanatiling alerto ang pag-iisip kinabukasan: yung makatulog ng anim hanggang walong oras sa gabi. Kailangan din ng “power nap” na 10 hanggang 15 minuto para lang i-energize ang sarili.
6. Tubig, tubig, at tubig
Kailangan hydrated ka para makaisip nang wasto. Ang pag-inom ng walo hanggang 10 baso ng tubig kada araw ay nakakatulong para mapagaan ang pakiramdam.