Ingatan ang atay, alamin kung may hepatitis

ANG Hepatitis ay ang kondisyon kung saan may pamamaga ng atay. Ito ay maaaring lumipas nang walang sintomas o kaya ay magdulot ng mga hindi kanais-nais na sintomas tulad ng lagnat, paninilaw ng balat, sakit sa kasu-kasuan, pagkahilo pagsusuka at kung malala at matagal na ang Hepatitis maaari itong magdulot ng pagmamanas, pagdurugo na maaaring mauwi sa comatose.

Pinakamadalas na sanhi ng Hepatitis ay ang virus at ang madalas na dahilan ng pagkakaroon ng Hepatitis ay ang “contaminated” na pagkain at pagka-expose sa mga likidong galing sa katawan ng isang taong may Hepatitis tulad ng dugo, semen at laway.

Ang ibang sanhi ay ang pag-inom ng alak o kaya ay mga gamot na kapag naabuso ay su-misira ng atay.
Maiiwasan ang he-patitis kapag nababakunahan. Kung sakaling magkaroon man nito ay nagagamot din, depende sa kalusugan ng katawan.

Madalas ang He-patitis ay nawawala o natatanggal ng ating katawan ng kusa lalo na kapag malusog ang pa-ngangatawan.

Kapag mahina at matagal na ang impeksyon (humigit sa anim na buwan), mabuting magpakonsulta sa doktor para malaman ang nararapat na pagagamot.

Kadalasan kukunan kayo ng hepatitis profile at liver function test. Bibigyan kayo ng nararapat na gamot.

Kapag nagkaroon ng Hepatitis, iwasan ang mga bagay na masama para sa atay gaya ng pag-inom ng alak o mga gamot na nakasisira ng atay. Iwasan ang pagkain ng maalat at mamantika. Kailangang umiwas din sa pagkakaroon ng ibang sakit, kailangang patibayin ang immune system gaya ng pagkain ng mga prutas at gulay, uminom ng mara-ming tubig, at mag-ehersisyo. — Dr. Hildegardes Dineros

Read more...