Ligtas ba ang skincare product mo?

SANGKATERBA ang mga skin products na meron ngayon at lahat ay na-ngangako nang maganda, makinis, maputi at nakababatang kutis.

Ang tanong, ang gamit mo bang lotion, moisturizer, cleanser, toner, day or night cream o kung ano-ano pang i-pinapahid mo sa iyong katawan at mukha ay bagay ba sa iyong edad?

Maganda at mara-ming napagpipilian, pero dapat alam mo kung ang produktong gamit mo ay dapat ba sa iyo. Baka ang pang mga 20 anyos na produkto ang gamit mo gayong ikaw ay 40 years old na? O baka naman pang 50-anyos na ang gamit mo gayong bagets na bagets ka pa?

Narito ang ilang guidelines:

1. Tama na habang bata pa ay gumamit na ng sunscreen sa mukha, leeg at kamay. Masyadong mapanganib ang ultraviolet rays ng araw na nakakasira ng skin. Ang sunscreen ang iyong proteksyon laban sa pa-nganib ng UV rays.

2. Huwag na huwag solusyunan ang problema sa mukha kung wala namang problema. Bakit ka magpapa-botox kung sa edad mong 25 ay wala pa namang nakikitang kulubot? Aksaya lang yan sa pera.

3. Sa edad 30 pataas, nagsisimula nang maglabasan ang mga senyales ng pagtanda. Nariyan na ang mga sinasabing frown lines, crow’s feet, o upper lip lines. Magandang simulan na ang paggamit ng mga anti-aging cream.

Kung may malaking budget, botox ang naki-kitang solusyon na dapat gawin dalawa hanggang tatlong beses kada taon.

4. Huwag basta-basta maniniwala sa mga commercial sa TV, radyo, social media at dyaryo tungkol sa mga pampaganda. Magandang ikaw mismo ang mag-research sa kung anong epekto ng produkto na gusto mong subukan o bilhin. Maka-kabuting kumunsulta muna sa doktor para mabatid kung ligtas ba ang iyong skin sa produktong balak gamitin. Laging tandaan, magkakaiba ang kutis ng tao; maaaring ang maganda sa iba ay mapanganib naman sa iyo.

5. Huwag pabago-bago ng skincare pro-duct. Tandaan na kadalasan ang epekto ng isang produkto ay nakikita lamang sa loob ng isa hanggang tatlong buwan, kung ginagamit ng madalas.

Read more...