Ateneo Blue Eagles lalapit pa sa unang UAAP Finals seat | Bandera

Ateneo Blue Eagles lalapit pa sa unang UAAP Finals seat

Angelito Oredo - November 04, 2017 - 12:08 AM


Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
2 p.m. Ateneo vs UST
4 p.m. DLSU vs NU
Team Standings: *Ateneo (11-0); *La Salle (10-2); Adamson (8-4); FEU (5-6); UP (5-6); NU (4-7); UE (3-9); UST (0-12)
* – semifinalist
LALAPIT ang Ateneo de Manila University sa pagsungkit sa unang silya sa Finals sa paghahangad sa ika-12 nitong sunod na panalo sa pagsagupa sa University of Santo Tomas sa UAAP Season 80 men’s basketball ngayon sa Araneta Coliseum.

Magsasagupa ganap na alas-2 ng hapon ang sigurado na sa isang silya sa Final Four na Ateneo Blue Eagles at ang patuloy naghahanap sa una nitong panalo na UST Growling Tigers bago sundan ng importanteng laro sa pagitan ng defending champion De La Salle University at National University sa alas-4 ng hapon.

Huling pinatalsik ng Blue Eagles ang University of the East Red Warriors, 97-73, upang mapanatili ang malinis na kartada sa torneo at lumapit sa pagwalis sa 14-game elims na awtomatikong maghahatid dito sa Finals.

Nalasap naman ng Growling Tigers ang masaklap na 59-94 kabiguan kontra La Salle Green Archers na naghulog dito sa 0-12 baraha.

Gayunman, hindi nagkukumpiyansa si Ateneo coach Tab Baldwin kahit na makakatapat nito ang pinakakulelat na koponan sa torneo lalo pa’t ito ay nagpipilit na makaiwas sa matinding kahihiyan at pilit isinasalba ang kanilang pride sa season na ito.

“You just cannot count out any team right now in this crucial stage,” sabi ni Baldwin matapos makuha ng Blue Eagles ang unang twice-to-beat incentive sa semis. “Especially against a team that is really hungry and wanting to prove to their selves they can win.”

Pakay naman ng La Salle na masungkit ang ikalawang twice-to-beat incentive ng Final Four sa pagsagupa nito sa NU Bulldogs na puwersadong ipanalo ang lahat ng mga natitirang laro upang manatiling buhay ang tsansang makapasok sa semifinals.

Huling nakalasap ng kabiguan ang Bulldogs sa Adamson University Soaring Falcons, 77-90, na naghulog dito sa ikaanim na puwesto sa 4-7 karta. Kailangan nitong ipanalo ang natitirang tatlong laro kabilang ang laban kontra La Salle upang umasa na maagaw ang pinaglalabanang ikaapat at huling silya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending