Sa isang pahayag, sinabi ni Department of the Interior and Local Government officer-in-charge at Chairman ng Committee on Security, Peace and Order, Emergency Preparedness and Response Catalino Cuy na ipagbabawal ang lahat ng operasyon sa karagatan sa bisinidad ng H2O Hotel, Maynila hanggang Okada Hotel, New Seaside Drive sa Parañaque City mula Nobyembre 5 hanggang Nobyembre 16, 2017.
“Maximum maritime security is part of our safety preparations to ensure that the short stay of our Asean delegates in our country will be as peaceful, safe, and secure as possible,” sabi ni Cuy.
Idinagdag ni Cuy na kailangang magsumite sa Coast Guard ng manipesto ng pasahero ang mga sasakyang pandagat na gagamitin sa Asean tatlong araw bago ang paghimpil.
Tinatayang 59,000 tropa ng gobyerno ang ipapakalat sa Maynila at sa Pampanga para sa Asean.