Dating dyowa ng sinungaling na aktres nawasak noon pero muling nakabangon


PAGKATAPOS nang ilang taon ay nagbalik-bansa pala ang dating karelasyon ng isang female personality. Matagal silang nagsama pero hindi sila biniyayaan ng anak.

Hindi naman ‘yun naging kakulangan dahil may mga anak na ang aktres na itinuring na sariling anak ng lalaki. Hindi naging maganda ang kanilang paghihiwalay dahil ayon sa mga kaibigan ng lalaki ay hindi lang siya pinunit kundi ginutay-gutay pa ng aktres ang kanyang pagkatao.

Kuwento ng aming source, “Pero wala kayong narinig na kahit ano mula sa guy, di ba? Pinabayaan lang niyang magsalita nang magsalita ang girl, never siyang sumagot.

“Maraming kumukuha ng side niya that time dahil sobra naman talaga siyang winasak-wasak ng ex niya, pero hindi pa rin siya nagsalita. Deadma lang siya!

“Ang katwiran niya kasi, e, babae ang makakabanggaan niya, marespeto siya sa babae, saka meron nga naman silang pinagsamahan kahit pa kung siraan siya ng girl, e, parang wala nang bukas pa.

“Pero ang pinakamaganda niyang sinabi, e, wala siyang dapat ipaliwanag, alam ng kunsensiya niya at ng kunsensiya ni ____ (pangalan ng female personality) na hindi totoo ang mga accusations laban sa kanya.

“One day, sabi niya, e, lalabas din naman ang totoo kahit pa hindi siya magsalita. Ibang tao ang magsasabi ng katotohanan, hindi siya, at nangyari nga ‘yun!

“Mismong mga anak ng girl ang nagsabing wala siyang kasalanan, puro imbento lang daw ang mga sinasabi ng mommy nila, kaya nakahinga nang maluwag ang guy. Imagine nga naman ang mismong mga anak pa ng ex niya ang nagpatunay na walang katotohanan ang mga ibinibintang sa kanya ng aktres?

“Maayos na ang buhay niya ngayon, maganda ang trabaho niya sa ibang bansa, kasama na niya du’n ang family niya. Wala siyang kahit anong paninirang sinasabi tungkol sa girl, kahit pa ang dami-dami niyang puwedeng masabi.

“Marespeto talaga siya, ‘yun ang tunay na lalaki, hindi pumapatol sa pagbubunganga ng isang babae. Nasaan na ba ngayon ang ex niya? Waley nang career, tama ang sabi ng mga kaibigan ng guy na life is not always a bed of roses,” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, napakadaling hulaan kung sinu-sino ang mga bumibida sa kuwento, lalo na ang girl.

Read more...