WALA sa kapangyarihan ang maging mapalad. Hindi rin ito mahahanap sa makamundong tagumpay. Iyan ang Pagtatabas sa Pagninilay sa Ebanghelyo (Pag 7:2-4, 9-14; Slm 24:1b-2, 3-4ab. 5-6; 1 Jn 3:1-3; Mt 5:1-12a) sa kapistahan ng mga banal.
***
Magandang kapalaran ang kapangyarihan? Hindi ito napagtanto ng nalasing kahapon. Nakalalasing nga ang poder (pati si Cory ay nalasing kaya natraydor si Doy) kaya kay gandang balik-balikan ito, bagaman di na babalik. Kay sarap namnamin ng nakalalasing na kapangyarihan. Pansamantala.
***
Napakaaga ng selebrasyon sa tagumpay sa Marawi. Marami pa rin ang pagbabanta sa mga text messages na natatanggap natin. Napakaagang ipahayag ang Mosul-Raqqa-Marawi. Hindi maikukumpara ang nangyari sa Pilipinas sa kinasadlakan sa Iraq at Syria. Ang napulbos na lungsod ay di tagumpay kontra terorismo.
***
May pagbabantang pasasabugin ang maliit na paaralan, na maaaring ikamatay ng 80 estudyante. Maliit daw ito kesa Morong pinatay sa Marawi. Parang 9/11; may 3,000 ang namatay; kontra 25,000 na pinatay ng bomba ng Kano sa Afghanistan. Magbantay. Magdasal. Ang malagim na banta ay di kaya ni Digong. Tulungang pairalin ang katahimikan.
***
Napakalaki ng pagkakaiba ng hukbo ni BS Aquino sa hukbo ni RR Duterte. Sa hukbo ni Aquino, pinababayaan silang mamatay sa gera. O kapag napatay, tulad ng 19 sa Al-Barka, sila pa ang sinisi at na-court martial pa ang ilang opisyal. Sa Marawi, walang naguton na hukbo, walang pinagkaitan ng medic at evac at sapat at makabago ang armas. Kaya pala tahimik at naka-Tindig daw.
***
Sa Mamasapano massacre ng 44 SAF troopers, naroon ang tulong at gabay ng US sa intel at enemy location. Hanggang doon lang ang US dahil matigas ang ulo ni Aquino. Sa Marawi, ipinakita ng US na lamang sila sa intel at gamit sa surveillance kaya madaling natunton ng mga sundalo’t pulis ang mga tunnel at secret hideout ng terorista. Nag-TY si Digong. Hindi nag-TY si Noynoy.
***
May mas malaking gulo ang maaaring sumiklab sa Marawi, o sa ibang bahagi ng Mindanao para ipaghiganti ang kaapihang dinanas ng tahimik na mga Moro. Maaaring di ito makita ng AFP at PNP dahil ito’y Moro sa kapwa Moro. May mga politikong madadamay dahil sa pananaw ng maliit na Moro ay nakipagsabwatan sila sa manliligalig pero naghunyanggo at kawangis na ni Digong.
***
Nang alisin sa PNP ang kampanya kontra droga, hindi na naman ligtas ang lansangan sa krimen. Ang pinatay na Grab driver dahil pakay ang Innova, ang hinoldap na magsing-irog, ginahasa ang babae saka pinatay ang dalawa, ang kidnap-murder, atbp., nagbalik na naman.
***
Nagbalik din ang “bentahang gerilya” (termino ng PDEA) ng shabu, lalo na sa North Caloocan at southern Bulacan. “Maliliit” na nakawan, batuhan at rambulan ng teenagers sa gabi, paninira ng mga sasakyang nakaparada. Hindi na naman ligtas ang taumbayan, lalo na ang walang baril.
***
Naduwag si Digong sa kasinungalingang survey ng SWS. Nakapagtatakang naniniwala na siya sa survey ngayon. Ang bawat pinapatay ay hindi EJK. Kaya nga pito agad ang pinatay sa Bagsak, P8A, Bagong Silang, North Caloocan, ang pugad ng shabu. Baka ang susunod na biktima ng mga kriminal sa kalye ay anak ng nagtatrabaho sa survey firms.
***
Dahil sa kontrobersiya ng fake news sa Internet, maipagmamalaki ko na ako’y nasa mainstream media 43 taon na ngayon. Maipagmamalaki ko rin ang Bandera bilang predominantly mainstream. Hindi iglap (spinoff) ang isip ng journalist: responsable at di nakakasuhan ng libel per se. Mababa ang tingin nila noon sa tabloid, bagaman mas malaki ang sirkulasyon nito at pass-on kesa broadsheet. Freedom of information? Freedom comes with responsibility – sa mainstream.
***
PANALANGIN: Pagkat ang masama’y papanghihinain, ngunit ang mabuti ay kakalingain. Awit 37:17
***
MULA sa bayan (0916-5401958): Hindi kumokontra ang EFB sa hangad ang kalayaan kung hinahati-hati ang Pilipinas sa mga dayuhan. Hindi malayo na ang gusto ng mga Moro ay hindi maka-Pilipino dahil hindi talaga Pilipino ang kanilang paniniwalang Islam. Hindi kami tututol kung magkakaroon ng civil war kung iyan ang sukatan para sa katahimikan sa Mindanao. …0821
Mas malaking gulo
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...