MATATAKUTIN pala sa multo ang boyfriend ni Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli. ‘Yan ang ni-reveal ng binata nu’ng mag-promote ng movie nila ni Kim Chiu na “The Ghost Bride” sa Magandang Buhay.
At dahil sa matinding takot sa multo, pinakiusapan ni Matteo si Derek Ramsay kung pwede siyang makitulog sa kwarto nito. Bago ‘yun, inunahan na ni Matteo si Derek na kausapin at sabihin na hindi siya bading.
Pumayag naman si Derek na matulog si Matteo sa kuwarto niya. At dahil wala namang bahid ng pagdududa si Derek kay Matteo kaya magkatabi pa silang natulog sa isang kama. Teka, knows kaya ‘yan ni Sarah?
Anway, showing na ang “The Ghost Bride” sa mga sinehan. And as expected, patok sa takilya ang bagong movie ni Kim from Star Cinema. Todo promote talaga si Kim ng “The Ghost Bride.” Wala siyang pinalampas na show sa Kapamilya Network para ibandera ang movie niya. Pati TV Patrol, ‘di pinalampas ni Kim, ‘noh.
Na-keri naman niya ang pagiging Star Patroller sa TV Patrol on the eve ng first day of showing ng “The Ghost Bride.” At hindi naman nagmukhang hard-sell ang pagpo-promote ni Kim sa TV Patrol.
Kung hindi kami nagkakamali, ito ang kauna-unahang pelikula na solo lead si Kim. Most of her movies kasi either kasama niya ang kalabtim niya or with other major stars gaya ng Star For All Seasons na si Vilma Santos sa “The Healing” or ‘yung “Etiquette For Mistresses” with Kris Aquino, Iza Calzado and Claudine Barretto.
Incidentally, ang “The Healing” and “Etiquette For Mistresses” ay parehong idinirek ni Chito Roño. Ang “The Ghost Bride” ay ikatlo na palang tandem nina Kim at Direk Chito.