James kay Nadine: Nandito lang ako lagi para sa’yo, I love you!

PINAKILIG muli ni James Reid ang JaDine fans sa birthday message niya para sa kanyang girlfriend na si Nadine Lustre who just turned 24 last Tuesday. Idinaan ng Kapamilya hunk actor ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng isang video message.

Aniya, “I know it’s been a crazy year and we’ve been through a lot together. I just wanted you to know that I’m always here for you, your family’s always here for you, and your friends are always here for you

too. So just know that and have a happy birthday. I love you.”
Dahil dito, muling nabuhayan ng dugo ang kanilang mga tagasuporta na matagal nang naghihintay sa kanilang next TV project. Sa pagkakaalam namin, may niluluto ng bagong serye para sa dalawa pero mauuna muna yata ang pagsasama nila sa pelikulang “Pedro Penduko” sa 2018.

Read more...