Kathryn nagsilbing stylist ni Maymay sa SG

NAGSILBI namang stylist ni Maymay Entrata si Kathryn Bernardo nang magkaroon sila ng concert sa Singapore kamakailan. Talagang tinulungan niya ang PBB Lucky Season 7 Big Winner sa pagsusuot nito ng outfit bago ang kanilang show.

Sa isang video na in-upload sa YouTube, mapapanood kung paano inayos ni Kathryn ang damit ni Maymay. Pinahiram pa niya ang kanyang palda sa dalaga na nag-match naman sa suot nitong top.

Love na love talaga ni Kathryn si Maymay, mas naging close pa sila dahil magkasama sila ngayon sa seryeng La Luna Sangre.

Read more...