Indonesian na konektado sa  Maute group arestado sa Marawi | Bandera

Indonesian na konektado sa  Maute group arestado sa Marawi

- November 01, 2017 - 06:02 PM

NAARESTO ng mga otoridad ang isang Indonesian national na pinaniniwalaang miyembro ng Maute group sa Marawi City kaninang umaga, ayon sa militar.

“He is now being investigated by police investigators,” sabi ni Joint Task Force Ranao deputy commander Col. Romeo Brawner Jr.

Nahuli ang banyaga ng mga miyembro ng Barangay Peace Action Team of Brgy. Loksadatu.  Ibinigay siya sa Marawi Police.

Pinaniniwalaang kasama ang mga banyagang terorista ng mga Maute na kontektado sa ISIS, na nakipaglaban sa mga tropa ng gobyerno sa loob ng limang buwan.

Pormal na tinapos ang operasyon sa Marawi noong isang linggo matapos ang limang buwan matapos lusubin ng Maute ang lungsod noong Mayo 23,

Tinayayang  900 terorista, 165 sundalo at pulis at 45 sibilyan ang nasawi matapos ang nangyaring bakbakan sa Marawi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending