Publiko pinag-iingat sa alok na trabaho sa ibang bansa

BINALAAN ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga manggagawang
Filipino, na kasalukuyang nagtatrabaho sa ibang bansa na mas maging maingat sa pagtanggap
ng alok na trabaho mula sa ibang bansa.

Nakatanggap ng report ang POEA na may mga Filipino household service workers (HSWs) sa Hong Kong, Singapore at Cyprus ang inaalok na lumipat sa ibang bansa tulad ng Dubai, Mongolia, Turkey at Russia ngunit sa kinalaunan kanilang malalaman na hindi pala maganda ang kondisyon ng kanilang trabaho, o ang malala ay hindi pala totoo ang alok na trabaho.

Ang mga nagre-recruit ay mula sa ibang bansa, na may mga kasabwat na Filipino sa kanilang iligal na gawain.

May mga natanggap na report na may mga manggagawang nabiktima at nagbayad ng malaking halaga at nag-biyahe sa
ibang bansa gamit ang tourist visa at walang katiyakan na may employer na naghihintay sa kanila.

May natanggap din na report na may mga nakahanap na trabaho subalit sila ay nakakaranas ng pang-aabuso mula sa kanilang employer, at ang kawawang manggagawa dahil sa kakulangan ng tamang dokumento ay inaaresto at pinade-deport ng immigration authorities.

Ang pagre-recruit sa pamamagitan ng “third country” ay itinuturing na illegal recruitment kung ang recruiter o ang employer ay walang otorisasyon mula sa pamahalaan ng Pili-pinas.

Para sa kanilang pansariling proteksi-yon, ang aplikante para sa trabaho sa ibang bansa ay nararapat na may wastong work permit o visa o employment contract na i-naprubahan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) at prinoseso ng POEA bago sila umalis ng bansa.

Information and
Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...