Francis M ayaw iwan si Elmo; Binoe may third eye

HANGGANG ngayon pala ay nagpaparamdam pa rin ang yumaong Master Rapper na si Francis Magalona sa kanyang anak na si Elmo.

Gustung-gusto naman daw ito ng singer-actor dahil napi-feel niyang binabantayan pa rin sila ng kanyang tatay hanggang ngayon.

“Yes he does, he does (pagpaparamdam). Even up to now. And it’s so cool,” anang binata.

Bago mag-Undas ay ibinahagi ni Elmo sa isang panayam ang muling pagpaparamdam sa kanya ni Francis M sa loob ng isang recording studio, “Actually, first time kong magpunta dito sa office ng Universal. One of the lights, parang nagflicker siya. Eh minsan, kapag nag-flicker ‘yung lights, kung nasaan ako or ‘yung mga kapatid ko, parang minsan ‘yun ‘yung way niya of making paramdam sa amin na nandoon siya.”

“Usually naman the reason why he makes paramdam is because he supports us sa ginagawa namin,” kuwento pa ni Elmo.

q q q

Bukas na bukas pala ang third eye ni Robin Padilla kaya palagi itong nakakakita ng mga ligaw na kaluluwa at mga hindi matahimik na ispirito.

Ito nga raw ang kinaiinisan ng kanyang asawang si Mariel Rodriguez na takot na takot kapag may nakikitang “something” si Binoe. “Ikinukuwento pa kasi niya sa akin, grabe ang third eye ni Robin. Sasabihin pa niya, ‘Ayan, meron na naman akong nakita. Ganyan-ganyan!’

Ayon kay Binoe, meron daw isang matandang babae na nagbabantay sa kanya mula pa noong bata siya. Pero mula noong maging asawa niya si Mariel, ito na raw ang binabantayan ng nasabing ispirito.

q q q

Sa shooting naman sa isang lumang bahay naganap ang experience ni Jolina Magdangal sa isang kaluluwang hindi matahimik.

“Inikot ko agad ‘yung bahay para kapag nagsimula na kaming mag-shoot kabisado ko. Pero may isang kuwarto doon na talagang napakabigat ng pakiramdam ko nu’ng papasukin na namin. Parang may unan na nakadagan sa mukha ko kaya nahirapan akong huminga.

“After ng shoot, nag-picture-picture pa ‘ko tapos lu-mabas sa litrato yung parang mga ilaw na bilog-bilog tapos meron siyang mukha na parang sa bata. Doon na may nagsabi sa amin na sa kwartong ‘yun may lalaking nangmolestiya, then du’n sa kamang nasa loob nu’ng kwarto doon nagaganap ang mga bagay-bagay,” kuwento ni Jolens.

“Kasama ko rin that time yung ate ko na bigla na lang natulala tapos pulang-pula siya, ang bigat-bigat din daw ng pakiramdam niya,” dagdag pa ni Jolina.

q q q

Hinding-hindi naman malilimutan ni Jessy Mendiola ang na-encounter niyang multo ng isang batang babae na lagi raw nagtatago sa kanilang banyo.

At hindi lang daw siya ang nakakaramdam sa nasabing ghost kundi pati ang kanyang mga kapatid.

Hindi naman daw sila ginugulo ng bata, tahimik lang daw ito at parang gustong makipaglaro sa kanila.

“One time pagkatapos kong maligo, nu’ng lalabas na ako, siyempre, papatayin ko na ‘yung ilaw, paglingon ko, nandu’n siya sa toilet bowl, nakaupo tapos nakayuko. Mahaba ‘yung hair niya na nakatakip sa buong mukha niya.

“Hindi na ako masyadong natakot dahil nasanay na rin ako sa kanya. Basta pinatay ko lang ‘yung ilaw sa CR tapos tumalikod na ko. Minsan naman umiiyak siya, nasa loob siya ng kwarto namin ng ate ko,” kaswal na kuwento pa ni Jessy.

Read more...