Meron nga kayang life after death?


NANINIWALA ka ba sa life after death? Totoo nga kayang kapag namatay na ang tao ay meron pang panibagong buhay na naghihintay sa kanya sa kabilang mundo?

Bilang paggunita sa Araw ng mga Patay, tinanong namin ang ilang artista kung naniniwala ba sila life after death. Narito ang kanilang mga naging sagot.

KIKO ESTRADA: Of course naniniwala ako sa afterlife. I think its heaven, and the Gods, and my lolo Paquito (Diaz) will be there when it’s my time to follow him, hopefully in the late late future.

“It’s good to believe in something, it’s good to believe in God, in heaven, instead of believing in nothing.

JERIC GONZALES: Well, Biblically speaking because I’m a religious person, naniniwala ako that afterlife is yung pinakatotoong buhay. Kumbaga this life, yung buhay natin on earth, this is a test or a preparation for the second life or the afterlife.

“Naniniwala ako na there is no pain, there are no struggles anymore, parang lahat ng pinaghirapan mo dito sa lupa nandu’n na, du’n mo mararanasan yung ginhawa, at siyempre with God.

JEAN GARCIA: To me kasi ang alam ko pag namatay ka, diretso ka na sa heaven, so wala nang life after death, ang afterlife mo with the Lord na. Yun na yung forever, yung buhay na walang hanggan with our Creator.

BIANCA UMALI: Naniniwala akong may life after death. Na kapag namatay ang isang tao, didiretso na ang soul niya sa heaven at doon na siya magiging maligaya habang buhay kasama si Lord.

MIGUEL TANFELIX: Yes, I believe na may afterlife talaga. Once na iniwan na natin ‘yung buhay natin sa mundong ito, makakamit na natin ‘yung true and real happiness kapiling siyempre si God.

Read more...