Mag-aaral pa ba o magta-trabaho na?
Sulat mula kay Jona ng Tikay, Malolos City, Bulacan
Dear Sir Greenfield,
Kasalukuyan akong nag-aaral ng Education kaya lang mukhang mahihinto na ako pagkatapos ng sem na ito, kasi bukod sa humina ang kita ng tatay ko sa kanyang pinagta-trabahuhang pabrika, nagkasakit pa ang nanay ko at kailangang ipagamot. Kaya sabi ng tatay ko pag gumaling na lang daw ang nanay ko saka uli ako mag-aral. Pero pinilit pong mangutang ng nanay ko at napautang naman siya kaya ibigay sa akin yong inutang nya at sabi mag-enrol daw po ako sa susunod na sem dahil gusto nya daw pong makatapos ako ng pag-aaral. Balak ko pong humito muna at mamasukan bilang tindera at huwag na lang akong magtuloy sa pag-aaral? Ano po ba ang maganda kong gawin, ituloy ko na lang ang pag-aaral o mgatrabaho na lang ako? December 17, 1998 ang birthday ko.
Umaasa,
Jona ng Bulacan
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Maganda at matayog naman ang Fate Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Malinaw na tanda na hindi ka mahihinto sa iyong pag-aaral, kahit na magkautang-utang pa ang iyong mga magulang. At sa sandaling nakatapos ka ng pag-aaralan malamang na ikaw ang isa sa mga anak na mag-aahon sa kahirapan sa inyong pamilya.
Cartomancy:
Ace of Clubs, Six of Diamonds, at Seven of Hearts ((Illustration 1.) ang lumabas. Ang mga baraha ang nagsasabing hindi ka mahihinto ng pag-aaral, at sa sandaling nakatapos ka ng kursong Education malaki ang posibilidad na makakapasa ka sa board exam hanggang sa tuloy-tuoy ng maging magaling at mahusay na guro.
Itutuloy…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.