MUKHANG may kasunduan na sina Joshua Garcia at Dennis Padilla. Balitang botong-boto ang comedian-director sa relasyon nina Joshua at anak na si Julia Baretto.
In fairness, hindi na itinatanggi o itinatago ngayon nina Joshua at Julia ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa. Mismong ang dalaga na ang nagsabi na in love siya sa kanyang ka-loveteam.
Sa Instagram Stories ni Erich Gonzales, tila aksidenteng napaamin si Julia na super “in love” na nga siya kay Joshua. Bini-video ni Erich ang mga ginagawa nina Julia at Joshua nang sabihin ng dalagang, “Gwapo, no?”
Sinagot naman ito ni Erich ng, “Whoa! I think she’s in love.” Ang sey naman ni Julia, “I think so, too!”
Sa isang panayam kay Joshua tinanong ang binata kung ano ang masasabi niya sa tila pag-amin ni Julia, anito, “Wala namang masama. Masaya ako siyempre. Walang masama kung in-love ka. Maganda nga yun, e. Isa yun sa dahilan kung bakit na-inspire kaming magtrabaho. Isa siya sa mga dahilan nang paggising mo. Masaya rin na in love ka, e. Ayun.”
Samantala, puring-puri naman ni Joshua ang ama ni Julia, napakabait daw nito sa kanya at para rin daw itong tatay niya, “Si Tito Dennis, para siyang papa ko lang, komedyante lang, mabait, pero kapag nagalit, todo. So, same sila, e. So, kapag nag-bonding kaming tatlo, talagang nagkakaintindihan kami. Kasi siyempre, para siyang tatay ko rin, e.”
Anyway, patuloy pa rin ang pamamayagpag sa ratings game ng teleserye nina Joshua na The Good Son na napapanood sa Primetime Bida ng ABS-CBN.
Gabi-gabi itong inaabangan ng madlang pipol at palagi ring top trending topic sa social media. Grabe ang mga reaksyon ng viewers sa kuwento ng The Good Son, lalo na kung sino talaga ang lumason at pumatay kay Victor (Albert Martinez).
Puring-puri ng manonood ang acting ng lahat ng cast sa serye, lalo na sina Joshua at Jerome Ponce bilang magkapatid sa ama na sina Jopet at Enzo. Gustung-gusto ng madlang pipol kapag nag-aaway na ang dalawa. Siyempre, gabi-gabi ring “nag-aaway” sa social media ang Team Joshua at Team Jerome.
Marami ngang naiinis sa karakter ni Jerome sa serye kaya palagi siyang minumura at innaway ng mga viewers. Ibig sabihin, super effective rin ang kontrabida acting niya sa The Good Son.
Patuloy na tutukan ang The Good Son pagkatapos ng La Luna Sangre, kasama pa rin dito sina Mccoy de Leon, Elisse Joson, Loisa Andalio, Mylene Dizon, Eula Valdez, John Estrada at marami pang iba, sa direksyon nina Manny Palo at Andoy Ranay.