Roque binantaang babatuhin ng hollow blocks ang mga kritiko ni DU30

NAGBANTA si incoming Presidential Spokesperson Harry Roque na babatuhin ng hollow blocks ang mga kritiko ni Pangulong Duterte na wala aniyang ginawa kundi ang bumatikos sa pangulo.
“Binibigyan ko na po ng notice ‘yung mga walang hiya diyan na naninira lamang. Kung dati-rati hindi kayo nababato bagamat kayo’y nambabato, ngayon po maghanda na kayo dahil kung kayo’y nambato, hindi lang po bato itatapon ko sa inyo, hollow blocks,” sabi ni Roque sa panayam ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson kahapon sa Davao City bago lumipad papuntang Japan.

Idinagdag ni Roque na hindi niya papayagang batikusin si Duterte nang walang tugon mula sa kanya.

“Abangan n’yo po ang mga adobe at hollow blocks na itatapon ko sa inyo kaya itigil n’yo na ang pamamato,” dagdag ni Roque.

Pinalitan ni Roque si Abella matapos sibakin ni Duterte.

“Kung gusto n’yo po, eh tumulong na lang po kayo sa bansa sa kadami-daming problema. So, warning po iyan. Hindi po ako mag-aatubili na mambato. In fact, hollow blocks at adobe and itatapon ko sa inyo,” dagdag pa ni Roque.
Kilalang human rights lawyer si Roque bago maging pulitiko at italaga bilang Kabayan partylist representative.
“Mamatay kayo sa inggit. Tapos na mga panahon ‘nyo. Laos na kayo, kaya puwede ba, move on na kayo. Iyong sa mga nanggaling na sa kapangyarihan ay nagkaroon naman kayo ng pagkakataon. Ang ginawa n’yo naman—palpak kayo. Hindi kayo gumawa ng mabuti para sa bayan, nagteka-teka at tsaka-tsaka na,” ayon pa kay Roque.

Nauna nang binatikos ni Albay Rep. Edcel Lagman ang pagkakatalaga ni Roque sa pagsasabing lumabas ang kanyang pagiging doble-kara. I

Read more...