Xander Ford nagsampa ng kasong cyberbullying matapos ang viral video vs Kathryn

NAGSAMPA ang internet sensation na si Xander Ford ng kasong cyberbullying laban sa dalawang katao na nasa likod umano ng pag-a-upload ng kanyang video na kung saan nilait-lait niya ang bida ng La Luna Sangre na si Kathryn Bernardo.

Kabilang sa kinasuhan ni Ford sa Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group (ACG) ay isang Dave Alvarez at isang Angelo Rozol, na kanyang itinuturo na nag-upload ng viral na video nang siya pa ay si Marlou Arizala.

 “Masakit lang po sa akin kasi kung kailan ganito na ako tsaka nila ilalabas ‘yung ganong video tapos Marlou pa po ang mukha ko doon,” sabi ni Ford.

Inamin ni Ford na na-depress siya matapos mawalan ng trabaho dahil sa kontrobersiyal na video.

Nauna nang humingi ng tawad si Ford kay Bernardo at sa iba pang nasaktan matapos lumabas ang video.

 

Read more...