Distress signal para sa driver ng hinoholdap

Nais ng isang solon na gumawa ng sistema ang Grab, Uber at iba pang Transport Network Vehicle Service para makapagpadala ng distress signal ang kanilang mga driver.
Sinabi ni Aangat Tayo Rep. Neil Abayon na hindi lamang ang mga pasahero ang dapat na pinoproteksyunan ng gobyerno kundi maging ang mga driver.
“The details on how the distress signals will be operationalized are up to Transport Network Companies like Grab and Uber and should not be revealed to the public for security reasons. We must always be a step ahead of criminals,” ani Abayon.
Ginawa ni Abayon ang suhestyon matapos na paslangin ang Grab driver na si Gerardo “Junjie” Maquidato Jr. na binaril at inihulog sa kanyang minamanehong sasakyan sa Pasay City.
Bukod sa panghoholdap at karnapping, maaari rin umanong maglagay sa sistema ng alert para sa medical emergency at aksidente sa kalsada.
“Grab and other TNCs must prioritize the implementation of security protocols to keep their drivers and passengers safe,” dagdag pa ng solon.

Read more...